GamePlan

Sabi nila if you work hard, you should also play hard. And that's what i'm doing sa sobrang dami ng sinalihan kong extra-corricular activities and orgs sa you-know-what-company na pinapasukan ko. Im not sure na nga if i still get enough sleep and rest for myself. Ironic part pa is kung kelan hindi na ako nagaaral eh saka pa ako sumasali sa mga extra-curricular activities... ang odd ng feeling but no regrets kasi natutuwa ako... :) And here's the list of all the stuffs and org na pinagkakaabalahan ko currently.

Volley [status: on-going till april]
Frustrated akong maging school varsity since 6th grade and i don't have the guts to be part of the team. Hindi ako naglakas-loob na sumali kasi wala naman talaga akong ibubuga that time sa sobrang liit at skinny ko. Pero recently, nagkaroon ng Volleyball League ang company and without any hesitation this time sumali ako. At im proud to say na naging part ako ng isang magaling na team called Oracle Snakes. So far our team is doing great with a standing of 7 wins and one lose. Cool!

de Salao [status: waiting for confirmation]
I wanted to try football ever since to test my endurance and strength when it comes to tough physical-contact games. Pero on second thought mukhang hindi ko kakayanin ang init ng araw at laki ng field na tatakbuhan mo so hindi na ako nagbalak. Buti na lang at nagkaroon ng Futsal clinic [from the phrase futbol de salao meaning indoor soccer]ang company and again without any second thoughts eh nagsign up na ko kaagad. So spikey shoes here i come...

Smash and Cocks [status: plays every monday]
Nung bata ako eh palo-palo lang with my bro and sis pero ngayon eh sineryoso ko na kasi nakakarelieve ng stress after work. Besides libre, sayang naman so tinodo ko na. Pero sayang hindi ako nakapasok sa company vasity team namin, eh may libre pa man ding training yun with coach from the natl team... err. Pero in fairness, nung nagkaroon ng project league eh nanalo pa kami ng partner ko... first time ko magka-gold medal hahaha

Point-and-Shoot [status: inactive]
Actually ngayon ko lang nadiscover na may talent pala ako sa photography kaso nga lang ang tamad kong umattend ng mga photography classes. Eh kasi namn kung hindi conflict sa game sched eh tinatamad talaga ako kasi boring minsan. At wala pa talaga akong matinong prof cam kaya hindi rin ako makapagparticipate ng mabuti. Nevertheless, im still eager to learn the art.

Bartending 101 [status: confirmed]
Dahil sa incidenteng nangyari last Valentines day, na one of my friend tried an alcoholic drink na hindi pa natitikman ng lahat, named "Bloody Mary", at sa sama ng lasa eh hindi kinaya kaya't niluwa nya lahat ng kanyang kinain. Well kasalanan ko din kasi sabi ko masarap yun kahit hindi ko pa talaga natikman wekeke. So to my friend, i take this course para naman may idea na tayo sa iinumin natin kapag may inuman session ulit ang tropa.

Breakdancing [status: having second thoughts]
Hinahatak ako ng mga colleagues ko na itry ang streetdancing sa gym namin every thursday kahit na parehong kaliwa ang paa ko. Bahala na nga, basta im still not into dancing. Kung booty shaking classes na lang, eh di nakapag-practice pa ko para sa bar gigs. wekeke

Out! [status: newly established]
You're not gonna believe this, pero of all the activities and orgs na sinalihan ko eh ito ang pinaka-interesting sa lahat. It started when a friend of my manager which is also a manager of other project team approached me after nung game last saturday. Sabi nya kung puede daw akong sumali sa bubuuin nilang bagong org sacompany. Ako naman si gaga hindi nagtanong ng details regarding sa bagong org basta ang sabi nya is it's an all-about-us org tapos attend daw ako sa first meeitng nila. And as always eh late nanaman ako ng 30 mins sa meeting. Nagulat na lang ako na yung org na bubuuin is about Gays and Lesbian Community within the company. Shocked at first pero eventually eh na-absorb ko din. Kaya pala ang sabi ni manager eh its all-about-us org ako naman slow kala ko wala lang [gay din kasi yung friend ng manager ko]. At ang happy part pa eh kasali ako sa committee na mag-eestablish ng org na ito kaya Im really looking forward to work for this organization. At ang logo--> rainbow colors, syempre yun ang trademark ng other diversity groups eh. Haay, at last meron na rin akong matatawag na organization... alam mo yun yung tipong you can express everything without uuncertainties and fear [perfect!]

That's all for now... soon to come. wahaha

Warriors Whipped Out Snakes

Tough and intense game this week, i should say. With both teams having a standing of no-lose, truly each team is a team-to-beat.

First set, close fight between Oracle Snakes and AmEx Warriors. first-six players of both team fought in the first match. Spikes and blocks were the highlight of the first set. But in the end Warriors got the first victory having a close score of 23-25.

Even though Snakes felt anxiously from the first set, that doesnt stop them to fight back. Confidently enough though, they took their win in set two having a far-off score of 25-16.

Tense rose up in the deciding game as both team gave their very best to beat their opponent and to retain the no-lose standing. But in the end Warriors battled their way up to victory as the game ended with another close score of 21-25.

Sigh. Depressing kasi nasira na yung record namin having straight six consecutive wins tapos natalo kami . Although happy pa rin ako kasi close fight ang nagyari between the competing team. Tipong hindi kami tambak despite na malakas yung spiker nila [no doubt... saludo ako sa spiker nila, ang galing!]. hahaha

After the game, sa sobrang depressed ko eh dinaan ko na lang sa regular cut, medium rare prime rib with 2 1/2 rice from Hotracks and a jar of brownie point sundae [nakaka-addict yung brownie point]. Ngayon lang ako kumain ng madami, kasi nga depress ako . Siguro it would have been a good meal kung nanalo kami, hehehe. Anyway, looking forward for the next game. I just hope for the next remaining games eh ma-sweep ang mga wins namin para makapasok kami sa semis then hopefully sa finals. Especially ngayon some of our first-six players eh ma-oonshore na. [wrong timing... huhuhu]

Nice game, AmEx! See you at semis [assuming... wekeke]