nanosecond...

At long last, after almost 2 months of waiting, i finally got my 2G black ipod nano! :)

Busy, test driving...

Roma

Pagkain ulit ang kukuento ko. Dumating ang dalawang partners sa office namin kasi there's a new major project na darating. Sabi ng manager namin, may dinner daw sa Tony Roma's with the partners. So natuwa ako kasi pagkain nanaman.

Nung kinagabihan we went there and had a good time, ang masaya eh sabay kami ni cutie sa car nya na pumunta dun sa resto (wekeke).

We were 18 (3 subprojects) and the bill cost 18+ gran, gosh! lumalabas na 1 gran each ang halaga ng kinain namin... oh well since partner sila eh barya lang sa kanila yun.

Sana tumaba na talaga ako.

BrasiL

Food talk nanaman ang kwekwento ko. You-know-what-company had this counseling thing, sort of university guidance counseling pero corporate level ito. Ganto kasi, meron kaming one-on-one dinner kanina to discuss regarding my current career status and some stuffs regarding my future plans. Funny thing is, nung high school at college ko never akong nag-guidance counseling at nung elem ko eh na-guidance ako not to counsel but because of incident report tapos nung nasa corporate na ko yung mismong guidance ang lumalapit, cool diba?!

Ayun nga... he phoned me after work to meet him sa Power Plant, and as usual late nanaman ako (asa pa kong lagi akong on-time!). Dahil late ako nag-text na lang sya na magkita na lang kami sa resto na pagkakainan namin. Guess what kung saan yung resto... sa Brazil-Brazil. Flashback: My buds where planning to eat there before eh kaso lang may kamahalan so hindi pa sya natutuloy. Going back: At long last nakakain na rin ako... hehehe.

The buffet was great. I had a great time eating and eating. And the style of dining is so cool kasi may yoyo on your table which will decide your orders, sounds complicated? Ah basta ganun na yun. So while eating ayun we're discussing about my past project blah blah blah and expectations. I remember one question na tinanong nya, "Am I expecting to promote this year?". Ang sagot ko, "Not really". Nagulat sya kasi of all the counselees na na-interview nya, ako lang daw ang humindi sa tanong na yun. wekeke, eh sa i'm not yet ready eh!

Ayun natapos ang interview na puno nanaman ang aking tummy... Looking forward nga pala to dine at Crustasia at Power Plant, recommended by my counselor.

Wish ko lang tumaba na ko.

Zip

. . .

Who says i can only see this in commercial?... If i can do this literally... wahahaha

After watching two consecutive silverscreen movies at Filinvest and indulging our cravings at Don Hen, we ended our usual mall getos by zipping iced cold fraps at Starbucks. With a twist though, kasi upon ordering my frap i told the barista to add up some names on the cup, just like in the commercial. I told her the names of my friends and she also added her's. Pero sinabi ko na wag na lang banggit all the names written kasi ang maraming customer baka mawindang. Hehehe.

Wala lang trip lang...

Unlicensed Fist

Last night late na kong umuwi so I've decided to left my wallet in the office para safe. Later this morning, since Wendesday at traffic naisipan kong gamitin na lang ang auto para hindi hassle but the major prob is yung driver's license ko eh nasa wallet, therefore nasa office... damn!

So while preparing nagiisip na ko kung dadalhin ko ba yung auto o hindi, kasi one way or another hassle sya - hassle dahil sa traffic paghindi ko dala ang auto at hassle pagnahuli ako kung dadalhin ko yung auto without license - so the only question is what risk will I take? Eh since nagawa ko nang magdrive na expired ang license ko, why not driving without a license at all! ...ayun sa bandang huli nanaig ang pagiging bratinella ko and so I go...

... on the road, nakapa-vigilant ko sa lahat ng bagay, as in super alert and maingat... maingat baka may malabag na road rules at mahuli pa ako. At nagiisip din ako na in case na mahuli ako, what will I say to the enforcer at ano ang kahihinatnan ko pagnahuli ako.

haay, thank God at nakarating ako sa office na walang uncertain road cases pero may hassle feeling pa rin ako kasi hindi ako mapalagay habang nagda-drive, pero mamaya paguwi ko wala nang kaba kasi dadalhin ko n ulit yung wallet ko...

bwahaha... another bratinella act from a bratinella bud. Don't worry hindi ko sya uulitin not unless maiwanan ko nanaman yung wallet ko sa office... wekekeke

... at eto pa sa sobrang pagmamadali ko kanina at sa sobrang dami ng iniisip ko eh naiwanan ko yung cellphone ko... err!