Unlicensed Fist

Last night late na kong umuwi so I've decided to left my wallet in the office para safe. Later this morning, since Wendesday at traffic naisipan kong gamitin na lang ang auto para hindi hassle but the major prob is yung driver's license ko eh nasa wallet, therefore nasa office... damn!

So while preparing nagiisip na ko kung dadalhin ko ba yung auto o hindi, kasi one way or another hassle sya - hassle dahil sa traffic paghindi ko dala ang auto at hassle pagnahuli ako kung dadalhin ko yung auto without license - so the only question is what risk will I take? Eh since nagawa ko nang magdrive na expired ang license ko, why not driving without a license at all! ...ayun sa bandang huli nanaig ang pagiging bratinella ko and so I go...

... on the road, nakapa-vigilant ko sa lahat ng bagay, as in super alert and maingat... maingat baka may malabag na road rules at mahuli pa ako. At nagiisip din ako na in case na mahuli ako, what will I say to the enforcer at ano ang kahihinatnan ko pagnahuli ako.

haay, thank God at nakarating ako sa office na walang uncertain road cases pero may hassle feeling pa rin ako kasi hindi ako mapalagay habang nagda-drive, pero mamaya paguwi ko wala nang kaba kasi dadalhin ko n ulit yung wallet ko...

bwahaha... another bratinella act from a bratinella bud. Don't worry hindi ko sya uulitin not unless maiwanan ko nanaman yung wallet ko sa office... wekekeke

... at eto pa sa sobrang pagmamadali ko kanina at sa sobrang dami ng iniisip ko eh naiwanan ko yung cellphone ko... err!

2 Comments:

At 4:19 AM, Blogger Cossette said...

This is F.Y.I.

Nakasaad sa batas na meron ka pang 24 oras na palugit para maipakita ang lisensya sa mga buwaya. Kaso lang, buwaya nga sila...kaya walang palu-palugit...dapat impunto ang suhol. Hahaha...

 
At 8:10 AM, Blogger Ludwcik said...

hahaha... paminsan-minsan lang naman wekeke

 

Post a Comment

<< Home