Fall or False?

Ang sarap ng feeling kapag in-love ka:
  • yung tipong pagkagising mo sya ang una mong makikita (kasi yung picture nya nsa bedside table mo)
  • yung boses nya ang una mong maririnig
  • sa celfone mo, sya ang unang message (plus pa yung 5 messages nya kagabi na di mo nabasa dahil nakatulog ka na)
  • napansin mo, may 12 missed calls sya sayo (halatang nag-aalala sya)
  • 70% ng messages sa inbox mo galing sa kanya (ayaw mo burahin, kahit ultimong smiley ayaw mo)
  • sa dialled numbers pangalan lang nya yung nasa received, dialled at missed calls mo
  • bumili kayo ng SUN sim para pwede kayo mag-usap 24/7 ng hindi gumagastos ng malaki
  • nasa outbox mo yung mga messages na di mo nasend sa kanya (dahil mahirap ang signal pag SUN sa gabi)
  • natatawa ka mag-isa (pag na-iisip mo sya, tumawag na ang nanay mo ng ambulansya para magamot ka habang maaga)
  • pag nanood ka ng lovers in paris naiisip mo kayo yung bida (ikaw si vivian, sya si martin, at ex mo si carlo)
  • 99% ng phone at cell memory mo galing sa kanya
  • wallpaper ng cell mo pic nya, wallpaper mo sa PC sya din, ringtone mo yung 'iloveyou' message na nirecord nya, housing mo fave color nya
  • ini-imagine mo yung kasal nyo kahit halos ilang taon pa ang tagal nun
  • na-iinip ka na at gusto mong tumapat na sa 5:30PM ang oras nyo sa opisina (susunduin ka na, at lalabas kayo at sabay na uuwi)
  • nag-iipon na kayo (namumulot ka na ng buhangin at graba baka sakaling gamitin nyo sa dream house nyo)
  • kilala na sya ng iba mong kaibigan, hindi nga lang ng family mo pero family nya kilala mo na
  • parang kasal na kayo dahil lagi kayong nagkikita
  • madalas kayo sa baywalk at sa WOW o kaya sa park ng greenbelt 3 (routine nyo yan) tapos kakain kayo sa tokyo tokyo (sumo meal para sweet)
  • anlaki ng eyebag mo (dahil 2AM na gising ka pa at nag-y-ym pa kayo, tapos di ka makatulog dahil iniisip mo sya)
  • password mo sa friendster account at yahoo, pangalan nya (and vice versa)
  • kabisado nya lahat sayo - date ng 1st date nyo, reason bakit kayo naghiwalay ng ex mo, kiliti mo sa katawan, mapa ng bahay nyo at family tree nyo mula 16th century
  • mahal na mahal nyo ang isat isa (kung pwede ka lang magpatattoo ng pangalan nya sa heart para sweet gagawin mo eh kaso baka pagalitan kayo ng parents nyo kaya wag na lang)
  • nagtatago ka ng mga souvenirs sa tuwing lalabas kayo (resibo sa pinagkainan nyo, chopstick ng tokyo tokyo, ticket sa bus na nasakyan nyo, buhangin galing sa wow, at kung ano-ano pa)
  • kelangan terno kayo ng suot (pag naka-'LOVEkoBench' tshirt ka dapat sya din, kahit magmukha na kayong jologs, ok lang)
  • naghoholding hands kayo palagi (kabisado mo na ang kalyo sa palad ng bawat isa)
  • alam nya ang cell number ng mga close friends mo (isa syang walking directory para kung sakali alam nya kung san ka hahanapin)
  • laging inaalam kung nasan ka at alam bawat lakad mo (kung pwede lang kabitan ka ng surveillance camera sa noo para sure)
  • activated and SMART locator nyo
  • walang laban ang nasa guiness sa tagal ng kissing scene nyo at daig nyo pa ang kamasutra (joke!)
  • may tuta kayo at ini-imagine nyo na anak nyo yun. At pagwala ka sa bahay papabilin mo pa sa yaya mo na alagaan at huwag pagugutumin at huwag ibibilad sa araw.
  • surname mo na ang surname nya kahit di pa kayo kasal, pati sa signature ganun na rin
  • napapansin mo na umiikot na pala ang mundo nyo sa isa't isa, kahit ano mangyari basta kasama mo sya ayos lang (come what may, ika nga)

Mahal ko na ba talaga yung tao or infatuation-close-to-love-feeling lang?!

"Love is like a pair of socks: you have to have two and they have to match."

"If it is meant to be, our hearts will find each other when we meet. And if our hearts melt together so will our bodies and souls. Then every word and every touch will fuel our passion flame. I will be yours, you will be mine, and we will be one."

I hope its you...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home