Tea Tea!
Asar magkakasakit ata ako ha. Bigla ko nakaramdam ng panghihina ng buong katawan kagabi sabay sumakit yung ulo tapos hindi na ako makatayo tapos nagka-ubo ako bigla tapos nawalan ako ng ganang kumain, err! Uminom na ko ng neozep wala pa ring epekto ganun pa rin yung nararamdaman ko hanggang ngayon, shutangnamek sana hindi bird flu ito.San ko kaya ito nakuha?
A) Sa ka-officemate kong instik na panay ubo ng ubo kahapon tapos kumalat yung virus sa air nilipad banda sa cubicle ko tapos nalanghap ko, kaazar!; or
B) Dahil sa papalit-palit na panahon dito eh hindi nakapag-adopt yung katawan ko sa environment kaya ako nagkakaganito?; or
C) Hindi kaya dahil sa mga pinagkakain ko dito na puro fast food kung hindi naman eh microwavable foods (hindi kaya mataaas na yung radio-active level sa katawan ko), eh pano ba naman kasi noh hindi ako marunong magluto tapos minsan yung mga boss ko ang binibili pag-lunch eh tinapay, heller!, malamang hindi ako mabubusog dun noh (mataas na rin siguro yung potassium bromate, eh diba masama yun sa health?)
Kaninang umaga hindi ako makabangon nanghihina pa rin yung katawan ko. Late na nga me pumasok tapos may code presentation pa ko sa mga boss ko pero buti na lang naposponed kasi napansin ng boss ko na wala ako sa condicion mag-present (umandar na naman ang pagka-bratinella),wala pang pumapasok sa utak ko kasi ang sakit pa rin ng ulo ko tapos sumasakit pa lalo, azar! Naka-apat na baso na ko ng hot tea (take note hindi tasa, baso!) kaso hindi pa rin nawawala. Iba pa naman ang lasa ng tea nila dito (tea talaga!) ang pakla ng lasa... parang dahon ng bayabas na pinakuluan. Kasi inisip ko baka mawala sakit ng katawan ko at ulo ko kapag uminom ako parang medicinal drink kung baga kaso hindi effective eh, hindi pa rin nawawala... pucha anong gagawin ko?... magecstasy kaya ko para hindi ko maramdaman yung sakit, kaso baka magwala ako sa office... wag na lang. Eh kung ipahinga ko n lang kaya ito, kaso lang baka mamaya pa ko umuwi kasi ang dami ko pang dapat tapusin.
NEWS FLASH: Bukas na lang daw yung code presentation ko sabi ng boss ko, uwi na lang daw ako ng maaga kasi mukha daw kasing hindi ok ang lagay ko, pahinga na lang daw ako para bukas.
Going back to the show: Teka sumakit ata yung tyan ko sa kakainom ng tea, lecheng tea yan tea-tea-gbakin pa ako. Wish ko lang hindi ako magkasakit paguwi ko sa pinas bukas kasi siguradong magaalala si mudra baka sabihin eh pinapabayaan ko yung sarili ko dito, tapos baka tawagan pa yung boss ko sa Manila sabihin eh pinapabayaan ako. Nakowww, lagot na pagnangyari yun baka sabihin eh spoiled brat ako (ang sagwa! brat...inella pero hindi spoiled).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home