Walang Binay-aran

Nagkaroon ng leveling ang company namin sa badminton. Sumali kasi ako sa badminton club namin kasi naging adik na ko sa kakalaro dahil sa mga BI (BADminton/BUD Influence) kong friends.

Naganap ang leveling sa The Zone, ang favorite kong court sa Makati kasi ang ganda ng washroom nila -- ang linis kasi, saka first-class ang interior at de-aircon pa. Love ko din yung court sarap maglaro dahil sa taraflex mat ang ganda pa ng lightings kaya gaganahan ka talagang maglaro.

Going back, after kong magregister eh nagwarm-up game na ko with my colleagues... ai sus mio ang gagaling nila pano ba naman kasi, eh araw-araw silang naglalaro sa The Zone/Blu Rakets. Libre kasi eh... wala kang babayaran kasi ni-rent ng company yung courts for the whole month.


Dapat singles ang laban eh since madami ang sumali sa leveling naging doubles na. Nung pinasok na ko hindi ko kilala yung naging kakampi ko kaya ayun get together for 60 secs at sinabi ko sa kanya na hindi ako magaling.

Ayun sa sobrang kaba ko, eh palpak ang iba kong service shots. At grabe ang galing ng kalaban namin buti na lang eh magaling sumalo ang kakampi ko at sakabutihang palad eh lamang naman kami ng 2 puntos nung pinahinto yung laro namin (hindi na tinapos yung game kasi ang dami pang magpapalevel)

After nung leveling ko eh umupo muna ako sa bench. Habang nagpapahinga eh pinagmasdan ko ang naglalaro sa kabilang court. At namukhaan ko ang isa sa kanila, haaay ang mayor ng Makati (ang mastermind ng mga ka-squatteran na rally sa kalye ng Makati), kalaro ang kanyang mga psychic politicians. Napagisip ako, how come na nandito sya sa area ng court na toh eh exclusive lang to sa company namin. Saka ko napagtanto na isa nga pala syang mayor at kontrolado nya ang kanyang nasasakupan. Ang liit nya sa personal samantalang ang mga psychic nya eh ang tatangkad tapos mukha pang kagalang-galang samantalang sya eh parang yagit na naglalaro ng pico sa kalye. Kaya nagtataka ako kung pano sya naging mayor eh mas mukha pang mayor yung isa nyang kalaro tapos ang laki-laki pa ng tummy, tinalo pa ang kotong-cop sa Cubao.

may referee pa ang mga mokong habang naglalaro at naka-uniporme pa ah. May tagabigay pa ng tubig after nyang maglaro tapos yung mga guardia nya eh nakabantay sa sulok ng court para tiyakin na wala padaan-daan sa gilid, baka daw madistract yung laro nila (leche!). Well sorry na lang sila marami kaming bratinella na palakad-lakad sa gilid ng court. Pantay lang kami ng height so wag syang maginarte, para sa akin isa lang syang public 'servant', in tagalog pampublikong utusan kaya mas mataas pa rin ang level ko sa kanya. Binabayaran ko lang sya ng tax ko kaya wala syang karapatang maginarte sa harap ko. (bwahahaha!). Grabe ang sarap hampasin ng raketa ang pagmumukha nya tapos palamunin ng isang tube ng shuttlecocks

Haayy as usual nabitin ako sa laro namin kasi ang dami ding naglalaro. Mga 10 o'clock na rin ako nakauwi hindi na ako nagdinner sa Wendy's para tipid. Nag-Lot's-A-Pizza na lang ako sa bahay tapos natulog na.


1 Comments:

At 2:50 AM, Blogger Ludwcik said...

oks lang gurl basic lang naman yung raketa ko eh hindi ako manghihinayang ihampas sa kanya. wahahaha

 

Post a Comment

<< Home